Showing posts with label text message. Show all posts
Showing posts with label text message. Show all posts

Tuesday, May 8, 2007

Dear Lyka...

Nagtext rin ang bruha! Meron pang 2pages sa gitna nyan kaso controversial na laman! Haha! Anyway, ayun nakakamiss na kasi ang babaeng ito. Ever since bumalik na sa Cebu ay anong hirap na ang paghagilap!

Mejo big change (mejo pero big eh noh, laboness) for me since she is my PARTNER IN CRIME...
Ang palaging karamay sa mga kalokohan...
kasama sa lahat ng pupuntahan at inuman...
kasundo sa foodtrip, movie marathon at puyatan...
at tanging nakakaalam ng mala-STORYBOARD na katotohanan
(dahil may mga kwentong ginagawa namin para pagtakpan ang mga kagagahan)...
marami pang mga kawirdohan... pero siya ang dorm mate na di ko malilimutan!
(parang namatay siya eh nasa kabilang isla lang naman)


anyway... this is for her at sa lahat ng nakakakilala sa kanya...

DEAR LYKA (my version of Sugarfree's Dear Kuya)
Dear Lykaaaaahhhhh, kumusta ka na dyan?
Anong balita, marami bang boylets dyan?
Dito ay konti, pero may nakilala 'ko,
para bang ikaw kasi ang kulit at kasundo ko

Matagal na rin, mula nang ika’y magpasyang
subukan ang swerte, at abutin ang yong mga pangarap
sa ibang isla kung saan ikaw ay laging may jowa
kami tuloy dito, di mo kinakamusta


[chorus]
Nasan ka man ngayon,
ano mang oras naika’y may kailangan,
tawag ka lang sa amin
at parang kainuman ka na rin

parang nandito ka na rin...


Oo nga pala, kung nasayo pa ang graphic na blouse ko, sa yo na yan.
Hanap ka na rin ng maraming mga skirts at pants,
dahil balita ko bawal pekpek shorts sa opisina.

Dambuhala daw mga kinakain mo diyan, tataba ka malamang.
Miss mo bang magtagalog? Lyka pag may kumausap sayo
magaling ka naman sa ingles, magaling ka Lyka.


[chorus tu tayms, tapos]
parang nandito ka na rin...


Dear Lyka, hinahanap ka ng Ahensya at ni Jebby, magtext ka kasi.
Miss ka namin, pati nga Phase 6 boys nagtatanong
san ka raw nagpunta? san ka raw nagpunta?
Nasan ka na… Lykaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh


[chorus uli na may iba-ibang dagdag eh, katamad isa-isahin]